Home NATIONWIDE Mahigit P8M shabu nasamsam sa HVI sa Cebu

Mahigit P8M shabu nasamsam sa HVI sa Cebu

MANILA, Philippines – Tiklo ang 26 anyos na lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Sitio Kamunggayan, Barangay Bato, Toledo City, Cebu nitong Linggo ng umaga, Hulyo 14, 2024.

Ang suspek ay kinilalang si Jaymar Resuento, single na may live-in partner, walang trabaho at residente ng Mercado St., Barangay Poblacion, Toledo City.

Ikinokonsiderang high-value individual (HVI) ang suspek sa illegal na droga.

Sa operasyon, nakumpiska ng pulisya ang 1,213 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8,248,400 mula sa suspek.

Nakuha rin ang .45 caliber pistol na may magazine at 6 live rounds, isang puting sling bag, P2,000 na cash na pinaniniwalaang kita sa bentahan ng droga, at P3,000 in buy-bust money.

Dinala na sa Toledo City Police Station ang suspek at mga nasamsam na illegal na droga para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition. RNT/JGC