Home NATIONWIDE Mahihinang pagsabog, pagbuga ng abo, ibinabala ng Phivolcs sa pagliligalig ng Kanlaon

Mahihinang pagsabog, pagbuga ng abo, ibinabala ng Phivolcs sa pagliligalig ng Kanlaon

121
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maaaring sundan ng ash emissions at iba pang short-lived explosive eruptions ang moderately explosive eruption ng Bulkang Kanlaon nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, na maaaring magdulot ng panganib sa loob ng apat na kilometrong permanent danger zone (PDZ).

Sa eruption bulletin na inilabas alas-11:45 ng gabi, sinabi ng PHIVOLCS na nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang moderate unrest, bagamat walang naitalang malaking pagtaas sa volcanic earthquakes o ground deformation matapos ang pagputok.

“This means that this most recent explosive eruption may be followed by further moderate intensity activity such as ash emission events or similar short-lived explosive eruptions,” ayon sa PHIVOLCS.

Nagbabala ang ahensya na ang mga ganitong pagputok ay maaaring magdulot ng ashfall, pyroclastic density currents, ballistic projectiles, rockfalls, volcanic gas, at lahars, lalo na sa panahon ng malakas na ulan.

Ayon sa PHIVOLCS, ang dalawang minutong pagputok alas-4:38 ng hapon ay sinundan ng 10 volcanic earthquakes, kabilang ang pitong low-frequency events na may kaugnayan sa volcanic gas activity. Bumaba rin ang sulfur dioxide emissions sa 174 tonnes kada araw bago ang eruption, kumpara sa average na 2,823 tonnes kada araw mula Hunyo 2024.

Ipinaliwanag ng mga volcanologist na ang pagputok ay dulot ng pressure buildup at swelling ng bulkan dahil sa pagbabara ng volcanic gas pathways mula sa malalim na magma source.

Pinayuhan ang mga komunidad sa loob ng permanent danger zone na manatiling lumikas dahil sa banta ng pyroclastic density currents, volcanic gas, at iba pang mapanganib na hazards.

Inabisuhan din ang mga local government units na maghanda para sa posibleng evacuation sakaling lumala ang volcanic activity.

Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibilidad ng hot lahars sa panahon ng malakas na ulan at pinayuhan ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa summit ng bulkan dahil sa panganib ng ash at ballistic fragments. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here