Home ENTERTAINMENT Maid in Malacañang, magiging teleserye na!

Maid in Malacañang, magiging teleserye na!

Manila, Philippines – Inaasahang sa September na magsisimula ang taping para sa TV adaptation ng pelikulang Maid in Malacañang.

Sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap, ang MIM ay tumatalakay sa huling 72 oras ng mga kaganapan sa loob ng Palasyo bago ang exile ng pamilya Marcos sa Hawaii noong Edsa Revolution noong 1986.

Bumida bilang Ferdinand Marcos Sr. si Cesar Montano.

Gumanap naman bilang First Lady Imelda Marcos si Ruffa Gutierrez.

Cesar’s son Diego Loyzaga played Bongbong while Cristine Reyes portrayed Imee.

Ang papel na Irene ay ginampanan ni Ella Cruz.

Ang tatlong kasambahay naman ng Marcos family ay binigyang-buhay nina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo.

Iginiit ng buong produksyon ng MIM na walang historical revisionism na nangyari sa pagbabalangkas ng kuwento.

Sa kabila ng claim na ito’y inalmahan pa rin ng Carmelite Monastery sa Mabolo, Cebu ang isang eksena.

Ito’y kung saan naglalaro ng mahjong ang babaeng nakadilaw na kasuotan believed to be Cory Aquino sa kasagsagan ng People Power.

Samantala, ang TV adaptation ng MIM ay tatakbo sa loob ng 16 episodes.

Hindi pa malinaw kung ang original cast members din ba ang tampok dito.

Ang MIM ay ipinalabas maging sa labas ng bansa noong 2022 prodyus ng Viva Entertainment.

Posibleng ang TV version nito’y mapapanood sa ABS-CBN.

How ironic. Ronnie Carrasco III