Manila, Philippines – Ilang oras lang makaraang itanggi ni Quezon City District 1 Representative Arjo Atayde ang pagdawit sa kanya ng mag-asawang Discaya sa mga maanomalyang flood control project ay sumunod naman ang misis nitong si Maine Mendoza.
Tulad ng inaasahan, buo ang suporta ng Eat Bulaga host kay Arjo.
Ongoing ang pagsalang nina Curlee at Sarah Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ilan lang si Arjo sa mga pulitikong pinangalanan nila na nakinabang sa mga DPWH projects.
Dawit din ang ama nitong si Art, asawa ni Sylvia Sanchez.
Ayon kay Arjo, hindi raw niya ginamit ang kanyang posisyon para sa kanyang personal gain.
Sinabi pa ni Arjo na gagawa siya ng “legal remedies” laban sa mga nagkakalat ng kasinungalingang ito.
Samantala, nag-post ang misis ni Arjo na si Maine: “I am with my husband on this!”
Tinawag ni Maine na unfair ang paratang laban sa mister.
Nakiusap din siya na huwag agad i-bash si Arjo sa paniniwalang lalabas din ang katotohanan at mapapanagot ang may tunay na kasalanan.
Dawit din ang kapwa kongresista ng QC na si PM Vargas, kapatid ni Councilor Alfred Vargas. Ronnie Carrasco III