Home NATIONWIDE Mainit na Disyembre asahan – PAGASA

Mainit na Disyembre asahan – PAGASA

MANILA, Philippines – Makararanas ang Pilipinas ng mainit na Disyembre, ayon sa PAGASA.

Sa isang pampublikong briefing, sinabi ni weather specialist Joey Figuracion na magkakaroon pa rin ng mga malamig na ihip ng  hangin mula sa mga lugar na may taglamig sa hilagang hemisphere dahil sa panahon ng Amihan.

Sa kabila nito, ang forecast na pagbabasa ng temperatura para sa buwan ng Disyembre ay mula 12°C hanggang 36°C.

“Mas warmer ang ating December kaysa sa normal, pero asahan pa rin natin ‘yung mga cold surges. Ang cold surges natin, asahan natin itong December until February,” ani Figuracion.

Sa Metro Manila, ang forecast ay mula 17°C hanggang 36.5°C, na may pinakamababang temperatura na bababa sa 17.1°C.

Samantala, inaasahan ng PAGASA ang isa hanggang dalawa pang bagyo na papasok sa bansa bago matapos ang taon.

Ang El Niño phenomenon ay kasalukuyang nakakaapekto sa bansa, partikular sa Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro para sa buwan ng Disyembre. Santi Celario

Previous articleLotto Draw Result as of | November 30, 2023
Next articleHuling Pilipinong bihag ng Hamas, pinalaya na