Home HOME BANNER STORY Huling Pilipinong bihag ng Hamas, pinalaya na

Huling Pilipinong bihag ng Hamas, pinalaya na

MANILA, Philippines – Napalaya na rin ang isa pang Filipino hostage sa Gaza matapos ang 53 araw na hawak ng Hamas.

Si Noralin Agojo Babadilla ayon sa Philippine Embassy sa Israel ay patuloy na nagdarasal habang siya ay hostage ng Hamas.

“Ang Panginoon po ang nagsanggalang sa akin doon,”sabi ni Babadilla.

“Dasal lang po ako ng dasal, pati mga kasama ko ay ipinagdasal ko din,” pahayag pa ng biktima.

Kasama si Babadilla sa ika-apat na batch ng hostages na pinalaya ng Hamas sa Gaza.

Siya at ang kanyang kasamang Israeli na si Gideon Babani ay bumisita sa isang kaibigan sa Kibbutz Nirim nang sumalakay ang Hamas noong Oktubre 7.

Pinatay ng mga armadong lalaki si Gideon at dinala si Babadilla sa Gaza.

Matapos siyang palayain, muling nakasama ni Babadilla ang kanyang kapatid sa isang ospital sa Tel Aviv, kung saan sumailalim siya sa full medical at psychological evaluation.

Sinabi ng embahada na hindi maaaring magbigay si Babadilla ng mga panayam “upang bigyan siya ng ilang araw ng pribadong oras na magpahinga, magpagaling, at makasama ang kanyang pamilya.”

“The Philippines continues to call for the release of all the hostaged noncombatant civilians who have no part in this conflict—especially women, children, elderly, the sick, and foreign workers,” sabi ng embahada. Jocelyn Tabangcura-Domenden