Home METRO Isa nanamang aircraft nawawala sa Isabela

Isa nanamang aircraft nawawala sa Isabela

MANILA, Philippines – Naiulat na nawawala ang isang Cyclone aircraft matapos na magtake-off mula sa Cauayan City Airport sa Isabela nitong Huwebes.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Cagayan Provincial Information Office na ang aircraft na may tail number na RP-C 1234 ay nag-take off alas-9:39 ng umaga, patungong Palanan Airport.

Gayunpaman, ang eroplano ay nawalan ng komunikasyon at ang piloto ay hindi na makontak.

Noong Enero, isang sasakyang panghimpapawid na patungo sa Maconacon Airport ang nawala din sa Isabela.

Ang huling pakikipag-ugnayan ng eroplano sa control tower ay ilang minuto matapos itong lumipad at habang nasa paligid ng Naguilan Bridge.

Natagpuan ang wasak na eroplano sa bayan ng Divilacan noong Marso. RNT