Home ENTERTAINMENT Maja, magbabalik-ASAP?

Maja, magbabalik-ASAP?

182
0

Manila, Philippines – Nakabalik na si James Reid sa ASAP kung saan nag-perform siya noong Linggo.

Nang makapanayam ng mga host, sinabi ng Fil-Aussie actor na na-miss niya at nanibago siya sa pagpe-perform sa entablado ng nasabing Sunday noontime variety show.

Sa kanya ring X social media account, proud din na inanunsyo ng Careless CEO ang pagbabalik niya sa kanyang tahanan.

Hirit pa niya, excited na rin siya sa mga proyektong gagawin niya sa ABS-CBN, ayon sa interviews sa kanya.

Sa promo plug naman ng Kapamilya Online World, may series of homecomings daw na magaganap sa nabanggit na show.

Sa pabitin nila ay may tatlo pang Kapamilya ang magbabalik sa darating na mga Linggo.

Nagkaroon naman ng clamor sa JaDine fans na magkaroon ng comeback sa ASAP stage ang ex at dating love team partner nito na si Nadine Lustre.

Ayon naman sa tsika ni Ogie Diaz, ang isa raw na na-sense niya na babalik sa pagpe-perform sa naturang Sunday musical variety show ay si Maja Salvador.

Katunayan, tila puspusan na raw ang paghahanda ng aktres sa kanyang pagbabalik.

Pagkatapos nitong makapanganak, kinakarir na rin daw nito na maibalik ang seksing pangangatawan kaya puspusan ang pag-eehersisyo nito.

Hirit pa niya, malaking asset daw si Maja sa ASAP dahil ito ang tinaguriang ‘dance empress.’

Dagdag pa niya, maipagkakapuri rin daw ang aktres dahil noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay hindi ito nagsunog ng tulay sa mga ehekutibo ng network kumpara sa ibang nag-oberdakod.

Kung matutuloy ito, for sure, aabangan ang showdown nila ni Kim Chiu sa isang dance performance.

After all, sila naman talaga ang magka-level pagdating sa hatawan sa dance floor. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here