MANILA, Philippines – BINIGYANG katuwiran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang dahilan kung bakit hindi niya itinalaga si Vice-President Sara Duterte bilang isa sa mga caretakers ng bansa habang siya ay nagpartisipa sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane, Lao na ginanap mula Oktubre 8 hanggang ngayong petsa ng Oktubre 11.
“She’s not part of the administration anymore. She left the administration so, she’s not part of the administration anymore. she’s not part of the day-to-day running of what we’re doing,” ayon sa Pangulo.
“It’s a very practical reason actually,” ang sinabi pa ng Pangulo sabay sabing ang lahat miyembro aniya ng executive committee kasi ay pawang mga ‘members of the cabinet.
Kaya, unfair aniya niya kung hihinilingin niya kay VP Sara na tumayo bilang isa sa mga caretakers ng bansa at patawan ito ng tungkulin na hindi naman parte ng kanyang trabaho bilang Bise-Presidente.
Sa kabilang dako, itinanggi naman ng Pangulo wala na siyang tiwala kay VP Sara kaya’t hindi niya ito isinama kina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella III bilang mga caretakers ng bansa.
Bilang mga caretakers kasi, pangangasiwaan ng tatlong kalihim ang pang-araw-araw na gawain sa Pilipinas.
Ito rin ang unang pagkakataon na hindi si VP Sara ang itinalagang caretaker ng Pilipinas.
Nauna nang sinabi ni VP Sara na nagkalamat na ang relasyon nila ni Pangulong Marcos. Kris Jose