Home ENTERTAINMENT Maja, pinagtripan si Rambo!

Maja, pinagtripan si Rambo!

Manila, Philippines – Inalala ni Maja Salvador ang kanyang paglilihi.

Neither food nor fruits ang pinaglihian ni Maja.

Truth is, ang asawa niyang si Rambo Nuñez ang pinagtitripan ng actress-talent manager.

Maging si Maja nga finds her paglilihi way too OA.

Aminado kasi si Maja na hindi pa man daw nakakaalis ng bahay si Rambo to attend to some important business matters ay “Ano’ng oras ka uuwi?” agad ang tanong niya.

Inaapuntahan din daw ng lungkot si

Maja pag naiiwan nang mag-isa sa bahay.

Agad daw niyang pinauuwi si Rambo nang umiiyak pa!

Ang siste, ayaw na ayaw ni Maja na mawalay physically kay Rambo.

Kaya nga ang gusto sana ni Maja, to overcome her loneliness ay makapagtrabaho kahit buntis siya.

May go-signal naman daw siya from her OB-gyne dahil healthy ang kanyang pagbubuntis.

And if it’s any consolation, natupad daw ang pangarap ni Maja na magkaroon ng dragon baby. Ronnie Carrasco III