Home NATIONWIDE Netanyahu binatikos ni Biden sa pagkakamali

Netanyahu binatikos ni Biden sa pagkakamali

ISRAEL – Nagpahayag ng pangamba si US President Joe Biden sa naging aksyon ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu kaugnay sa mga ginawang strike sa mga sasakyan at aid personnel sa Gaza.

Dahil dito ay nagpahayag si Biden ng kanyang pagnanais na magpropose ang Israel ng ceasefire at magbigay ng kumpletong access sa lahat ng mga pagkain at gamot na pumapasok sa Gaza sa susunod na anim hanggang walong linggo.

Ito ay dahil sa tumataas na death toll ng mga sibilyan sa Gaza. Sa ulat ay 33,207 Palestinians na ang nasawi sa loob ng anim na buwan, karamihan dito ay mga babae at bata. RNT/JGC