Home NATIONWIDE 8 lugar sa bansa makararanas ng ‘dangerous’ heat index ngayong araw

8 lugar sa bansa makararanas ng ‘dangerous’ heat index ngayong araw

MANILA, Philippines – Posibleng maranasan ang ‘very high’ heat index sa walong lugar sa bansa ngayong Miyerkules, Abril 10.

Ayon sa heat index forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), walong lugar ang magkakaroon ng mga heat index na nasa “danger” level.

Ito ay ang mga sumusunod na lugar:

Dagupan City, Pangasinan
Bacnotan, La Union
San Jose, Occidental Mindoro
Puerto Princesa City, Palawan
Aborlan, Palawan
Roxas City, Capiz
Guian, Eastern Samar
Cotabato City, Maguindanao.

Sinabi ng PAGASA na posibleng makaranas ng temperaturang mula 42 hanggang 43 degrees Celsius ang mga lugar na ito. Ang temperaturang ito ay pasok sa danger level ng heat index, o mula 42 hanggang 51 degrees Celsius.

Sa ganitong temperatura ay mataas ang tsansa ng mga banta sa kalusugan katulad ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke. RNT/JGC