MANILA, Philippines- Walang nanalo ng major lotto jackpots na binola nitong Biyernes, April 4, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang Ultra Lotto 6/58 bettor na nakasungkit ng P216,198,638.80 matapos walang makahula ng winning combination na 17-55-36-04-35-40.
Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45, kung saan ang mga numerong 28-14-40-34-42-17 ay hindi napili, nagresulta upang hindi maiuwi ang P44,217,452.00 jackpot priz. RNT/SA