Home HOME BANNER STORY Tourist van shoot sa bangin; 5 patay, 9 sugatan

Tourist van shoot sa bangin; 5 patay, 9 sugatan

MANILA, Philippines- Patay ang limang indibidwal habang siyam ang sugatan matapos mahulog ang isang tourist van sa bangin sa Sadanga, Mt. Province nitong Biyernes ng gabi.

Naganap ang insidente ng alas-10 ng gabi sa Ampawilen sa Poblacion, Sadanga, base sa Mt. Province Police.

Dumulas ang nasabing van, isang puting Nissan, at nahulog sa 50-metrong bangin na dumiretso sa ilog, base sa mga pulis.

Ang mga nasawi ay tatlong lalaki at dalawang babae.

Dinala naman ang mga nakaligtas sa Bontoc General Hospital sa Bontoc, Mt. Province upang gamutin. RNT/SA