Home METRO Makabagong Mobile Inspection Facility inilunsad ng LTO

Makabagong Mobile Inspection Facility inilunsad ng LTO

137
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kaligtasan sa kalsada, inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) noong Mayo 26 ang Mobile Motor Vehicle Inspection Facility (MVIF) sa kanilang Central Office sa Quezon City.

Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, binili ang apat na yunit ng MVIF upang matiyak na ang mga pampublikong sasakyan ay ligtas at karapat-dapat sa kalsada, lalo na matapos ang sunod-sunod na aksidente.

(c) Danny Querubin

Kayang magsagawa ng automated inspection ng MVIF para sa light at heavy duty vehicles sa loob ng 10–30 minuto. Walang human intervention, kaya’t mabilis, tumpak, at ligtas mula sa manipulasyon ang proseso.

May tatlong karagdagang yunit ang darating sa huling bahagi ng Mayo o unang linggo ng Hunyo, at balak ng LTO na magdagdag pa para maipakalat sa buong bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here