Home NATIONWIDE Makabayan bloc: COA dapat mag-audit ng flood control projects, ‘di DPWH

Makabayan bloc: COA dapat mag-audit ng flood control projects, ‘di DPWH

248
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga progresibong mambabatas na ang Commission on Audit (COA), at hindi ang Department of Public Works and Highways (DPWH), ang dapat magsagawa ng audit sa mga flood control projects sa gitna ng matinding pagbaha sa Metro Manila sa kabila ng bilyong pondo para sa mga proyekto sa baha.

“We strongly oppose any move to let the DPWH conduct its own investigation,” ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. Iginiit niyang may kakayahan at independence ang COA, gaya ng napatunayan nito sa PDAF scam.

Dagdag ni Kabataan Rep. Renee Co, “Ang DPWH ay kasama sa problema, hindi bahagi ng solusyon. Paano nila i-audit ang sarili nilang kapalpakan?”

Batay sa 2023 COA audit report, bigong maipatupad ng DPWH ang ₱131 bilyong halaga ng mga proyekto, at 450 lamang sa 905 flood mitigation structures ang natapos.

Nanawagan ang mga mambabatas na magpasa ang Kongreso ng resolusyon para sa komprehensibong audit ng lahat ng flood control projects ng DPWH mula 2016.

Samantala, inanunsyo ni House Accounts Committee chair Rep. Terry Ridon na sisimulan sa Agosto ang imbestigasyon sa lahat ng infrastructure projects, kabilang ang mga proyektong kontra-baha, alinsunod sa utos nina Pangulong Marcos at House Speaker Romualdez. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here