Home NATIONWIDE MAKABAYAN slate naghain na ng kandidatura sa pagka-senador

MAKABAYAN slate naghain na ng kandidatura sa pagka-senador

116
0

MANILA, Philippines – Magkakasamang nagsumite ng kanilang dokumento at intensyon ng pagtakbo para sa 2025 national at local elections ang Makabayan slate ngayong ika-apat na araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ang mga Makabayan slate at mga kumakatawan nito ay ang mga sumusunod:

1. ACT Teachers Rep. France Castro

2. Gabriela Rep. Arlene Brosas

3. Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis

4. Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Danilo Ramos

5. Ex- National Anti-Poverty Commission Lead Convenor Liza Maza

6. Pamalakaya Vice Chairperson Ronnel Arambulo

7. Dating Bayan Muna Representative Teddy CasiƱo

8. Filipino Nurses United Secretary General Jocelyn Andamo

9. PISTON National President Mody Floranda

10. Kadamay Secretary General Mimi Doringo.

11. Sandugo Co-Chairperson Amirah Lidasan

Kabilang sa mga isusulong ngga kandidato ang paglaban sa kurapsyon, patas na pasahod, pagtatanghol sa mga manggagawa, pagbasura sa PUV Modernization Program at maayos na serbisyong medikal at marami pang iba.

Bagamat aminado ang grupo na wala silang sapat na pondo para sa kanilang pangangampanya pero naniniwala silang iboboto ng taumbayan dahil sa bitbit nilang plataporma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here