Home NATIONWIDE Padilla ‘di sang-ayon sa opposition tag sa Duterte-led PDP

Padilla ‘di sang-ayon sa opposition tag sa Duterte-led PDP

153
0

MANILA, Philippines – Hindi sang-ayon si Senador Robin Padilla sa pagtawag sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP), na pinangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang bahagi ng oposisyon.

“Sa huli naming pagsasama ni [former] mayor [Duterte] napakaganda ng sinabi niya kay Pangulong Bongbong Marcos. Hindi ko maka-classify na oposisyon kami doon sa huling pahayag ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasi ang ganda ng sinabi niya. Una sinabi niya hindi corrupt si Bongbong. Palagay ko wala nang gaganda pa doon sa sinabi niya,” pahayag ni Padilla sa ambush interview nitong Huwebes, Oktubre 3.

Sinabi rin niya na, “Hindi ko kailanman inisip na may kalaban kami, kahit anong partido.”

Si Padilla ang pangulo ng PDP habang si Duterte naman ang chairman nito.

Sa kabila nito, sinabi ni Padilla na maaaring may mga pananaw silang kagaya ng sa oposisyon lalo na sa geopolitical matters.

“Siguro pag pinag-usapan natin ang geopolitics, siguro doon opposition kami. Kapag geopolitics, tinatanggap namin iyon, opposition kami doon,” giit ni Padilla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here