Home NATIONWIDE Makasaysayang pagkapanalo ng Pinas vs ‘9-Dash line’ ng Tsina ginunita ng mga...

Makasaysayang pagkapanalo ng Pinas vs ‘9-Dash line’ ng Tsina ginunita ng mga raliyista

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta sa pamamagitan ng ‘noise barrage’ sa Liwasang Bonifacio ang ibat-ibang samahan laban sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) sa bisperas ng makasaysayang tagumpay ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration, sa Hague, Netherlands.

Ito ay bilang mariing pagtutol sa mga agresibong aksyon ng China at sa patuloy na pag-aangkin sa ilang bahagi ng WPS kung saan ibinasura ang ‘9-Dash line walong taon na ang nakalilipas.

 

 

Kasabay ng pangangalampag at pag-iingay, nanawagan ang Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, na gawing “West aphilippine Sea Awareness month” ang buwan ng Hulyo sa buong bansa bilang pagpapahalaga at paggunita sa makasysayang tagumpay ng Pilipinas laban sa China.

Sa panayam, sinabi ni RJ Villena, tagapagsalita ng grupong ABKD, na ang patuloy nilang pag-iingay at kilos protesta upang ipagtanggol ang katubigan ng Pilipinas ay nagmumulat sa taumbayan sa kahalagahan ng WPS para sa mga Pilipino at susunod pang mga henerasyon.

Aniya nakatulong din ito sa pamamagitan ng information dessimination upang malaman ng publiko na mayroong grupo na katulad nila na nasa likod at handang ipaglaban ang karagatan ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa nasabing aktibidad, nilagdaan din ng grupo ang isang Joint Resolution series of 2024 na nagpapahayag ng buong suporta ng ibat-ibang lider mula sa ibat-ibang sectoral at people’s organization sa paglabas ng Executive Order na nagdedeklara na ang buwan ng July bilang West Philippine Sea (WPS) Awareness Month.

Kabilang sa mga lumagda ang mga lider at kinatawan ng grupo ng ABKD, Pilipinas Bagong Bayan Magkaisa, Inc- Las Piñas, BBM Warriors Calamba at Parola.com Youth.

Nagpahayag din ng isang mensahe ang grupo sa pamamagitan ng pagpaypay sa barko ng China at sinabing ‘mag-cool down’ sa ginagawang agresibong hakbang laban sa Pilipinas partikular sa WPS .

Nagpalipad din ng kalapati bilang simbolo ng Kapayapaan sa pinag-aagawang teritoryo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)