Home NATIONWIDE 12K magsasaka, mangingisda sa CALABARZON naayudahan sa TUPAD

12K magsasaka, mangingisda sa CALABARZON naayudahan sa TUPAD

Mahigit sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan ng tulong at ayuda sa pamamagitan ng Presidential Assistance o Tupad program ng DSWD na ginanap sa Dasmarinas Arena sa Dasmarinas City, Cavite.

Tumanggap ng tig P10,000 ang bawat mangingisda at magsagaka kung saan dumating si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at Senador Francis Tolentino kasama ang ilang opisyal ng lalawigan ng Cavite at Rizal para saksihan ang pamamahagi na ito ng DSWD.

Kaugnay nito sinabi naman ni Senador Tolentino na kanyang papasyalan sa July 16 , 2024 araw ng Martes sa susunod na linggo ang mangingisdang nabangga ng dambuhalang Chinese vessel sa karagatan ng West Philippine Sea malapit sa Bajo de Masinloc noon July 7, 2024 .

Ayon kay Tolentino, nakausap na niya si Robert Monden̈edo at ang pamilya ng nawawalang mangingisda nasi Jose Mondeñedo ̈kung saan nagpadala na ang Senador ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima.

Iginiit din ng Senador na sinulatan na niya ang ilang ahensya tulad ng Department of Justice upang tulungan ang mga mangingisda na makapagsampa ng kaso at makamit ang hustisya sa ginawang hit and run ng dambuhalang Chinese monster commercial vessel.

Umaasa naman si Tolentino na marerekober ng buhay ng Philippine Coast Guard ang nawawalang mangingisda at makamit ang hustisya para sa kanila.

Nanawagan naman si Tolentino sa mga kababayan na ipagdasal ang ating Philippine Coast Guard at Philippine Navy na nagbabantay sa ating karagatan sa West Philippine Sea. RNT