Home HOME BANNER STORY VP Sara ‘di dadalo sa SONA

VP Sara ‘di dadalo sa SONA

MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes na hindi siya dadalo sa  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

“No, I will not attend the SONA,” sagot ni Duterte nang tanungin ukol dito.

Ito ang unang pagkakataong hindi dadalo si Duterte sa SONA ni Marcos.

“I am appointing myself as the designated survivor,” dagdag niya.

Si Duterte ang running mate ni Marcos sa 2022 elections sa ilalim ng “UniTeam” coalition.

Kalaunan ay itinalaga siya ni Marcos bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), kung saan nagbitiw siya sa pwestong ito noong nakaraang buwan. RNT/SA