Home METRO Sultan Kudarat niyanig ng M-7.1 quake

Sultan Kudarat niyanig ng M-7.1 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa munisipalidad ng Palimbang sa Sultan Kudarat nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang tectonic earthquake ng alas-10:13 ng umaga.

Batay sa update ng PHIVOLCS, natukoy ang lokasyon ng lindol eksaktong 05.75°N, 123.08°E – 133 km S 67° W ng Palimbang. 

Nauna nang inulat ng ahensya na ang lindol ay magnitude 6.5, at may depth of focus na 651 kilometers.

Naiulat ang sumusunod na intensities:

  • Intensity IV – Jose Abad Santos, Davao Occidental

  • Intensity III – City of Mati, Davao Oriental; Glan, Sarangani

  • Intensity II – Maragusan, Davao de Oro; City of Tagum, Davao del Norte; Libungan, at Tulunan, Cotabato; Kiamba, Maitum, at Malapatan, Sarangani; City of Koronadal, South Cotabato; City of General Santos

  • Intensity I – City of Davao; Tantangan, South Cotabato; Lebak, Sultan Kudarat

Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:

  • Intensity III – Don Marcelino, at Jose Abad Santos, Davao Occidental; Glan, at Malungon, Sarangani

  • Intensity II – City of Tagum, Davao del Norte; City of Digos, Davao del Sur; Matalam, Cotabato; City of Cotabato

  • Intensity I – Nabunturan, Davao de Oro; City of Davao; City of Kidapawan, Cotabato; Maitum, Sarangani; T’boli, at Tampakan, South Cotabato; Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Kalamansig, Lambayong, and Lebak, Sultan Kudarat; City of Bislig, Surigao Del Sur

Walang inaasahang pinsala, subalit maaaring magkaroon ng aftershocks kasunod ng lindol. RNT/SA