Home METRO Makati Garden and Park walang permit sa Taguig LGU, ipinasara

Makati Garden and Park walang permit sa Taguig LGU, ipinasara

MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinasara ng lungsod ng Taguig ang Makati Garden and Park, isang pampublikong pasilidad na nasa ilalim ng hurisdiksiyon nito, dahil sa kakulangan ng permits mula sa Taguig City Hall.

Ang pagsasara ay alinsunod sa kapangyarihan ng isang LGU sa ilalim ng Local Government Code, mga desisyon ng Korte Suprema, at mga lokal na ordinansa na nagbibigay awtoridad sa lokal na pamahalaan na i-regulate ang anumang negosyo, kalakal, o aktibidad sa teritoryo nito sa pamamagitan ng pag-isyu ng mayor’s permit matapos makapagsumite ang aplikante ng mga dokumento at makapagbayad ng angkop na fees at charges.

Ang naturang parke, na noon pa ay isinara na ng Makati sa publiko ay ginagamit na lamang na garahe ng heavy equipment nito at tambakan, ay sakop ng hurisdiksiyon ng Taguig na siyang may karapatan sa paghawak at pamamahala nito bilang isang pampublikong pasilidad. Dave Baluyot

Previous articlePantay na pagtrato sa PWDs, iginiit ni Tolentino
Next articlePapel ng bansa bilang ‘contributor’ sa rules-based regional security, binigyang-diin ni PBBM