Home NATIONWIDE Papel ng bansa bilang ‘contributor’ sa rules-based regional security, binigyang-diin ni PBBM

Papel ng bansa bilang ‘contributor’ sa rules-based regional security, binigyang-diin ni PBBM

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel sa pagtiyak ng rules-based regional security sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit.

Nakatakda kasing magsalita si Pangulong Marcos sa Lowy Institute, isang independent, nonpartisan international policy think tank na nagbibigay ng high-quality research at natatanging pananaw sa international trends na huhubog sa Australia at sa buong mundo.

“While I’m in Melbourne, I will deliver a keynote speech to the Lowy Institute where I will highlight the Philippines’ role as an active participant in world affairs and a contributor to the rules-based regional security architecture,” ayon kay Pangulong Marcos sa naging talumpati nito sa kanyang pag-alis ng Maynila, araw ng Linggo.

“This administration continues to ensure that our constructive engagements with ASEAN, our External Partners, and stakeholders, will best serve our national interest, in as much as we promote the region’s peace, stability, security, and prosperity, for the well-being of the Filipino and all our region,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa gitna ng regional tensions sa ibang bansa, itinutulak pa rin ni Pangulong Marcos ang rules-based international order para i-promote ang kapayapaan at kasaganaan.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Special Summit ay magiging oportunidad din para sa gobyerno ng Pilipinas na muling ulitin ang national positions ng bansa sa regional at international issues.

Itatakda rin nito ang kondisyon ng ASEAN Dialogue Partner Summits bago pa matapos ang taon.

“There will be two main engagements with the Leaders’ Plenary where we will take stock of ASEAN-Australia cooperation and propose ways forward to further bolster relations, and a Leaders’ Retreat where we will exchange candid views on key issues affecting our region and the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

Si Pangulong Marcos ay nasa Melbourne hanggang Marso 6, araw ng Miyerkules.

Maliban sa Summit, makakapulong din ng Pangulo ang Filipino community at maging ang mga business leaders sa Australia. Kris Jose

Previous articleMakati Garden and Park walang permit sa Taguig LGU, ipinasara
Next articleSanggol nahulog sa lumubog na motorized banca sa Zamboanga City