Home NATIONWIDE Sanggol nahulog sa lumubog na motorized banca sa Zamboanga City

Sanggol nahulog sa lumubog na motorized banca sa Zamboanga City

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang 43 pasahero na sakay ng motorized banca na lumubog sa baybayin ng Zamboanga City nitong Sabado ng gabi, Marso 2.

Patungo sa Lanawan Island sa Tabuan Lasa, Basilan nang mangyari ang insidente alas-6:40 ng gabi.

Sa kabila na nasagip ang lahat ng mga pasahero ay nahulog naman sa ina nito ang anim na buwang gulang na sanggol.

Pinaghahanap pa ang sanggol habang ang mga survivor ay dinala sa Zamboanga City. RNT/JGC

Previous articlePapel ng bansa bilang ‘contributor’ sa rules-based regional security, binigyang-diin ni PBBM
Next articleNBA: Lakers pinadapa ng Nuggets; 40K points naitala ni LeBron