Home METRO Makati subway deal project, babawiin

Makati subway deal project, babawiin

272
0

MANILA, Philippines – Kumpirmadong babawiin ng Makati Local Government ang sinasabing P8.96B joint ventures settlement ng Makati subway projects na nilagdaan noon June 23, 2025.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Lunsod ng Makati, sinabi ni Atty. Ava Mari Ramel ng City Legal Department na nakatakda silang magsampa ng mosyon sa Singapore International Arbitration Centre (SIAC) sa Hulyo 11, 2025 upang pormal na iatras ang settlement.

Kasunod nito, bumuo ang lokal na pamahalaan ng Makati ng isang fact-finding commission upang alamin ang umano’y mga iregularidad sa nasabing subway project, bukod pa sa isasagawang imbestigasyon sa iba pang mga Public-Private Partnership (PPP) projects ng siyudad.

Nauna nang ikinabahala ni Mayor Nancy Binay ang nasabing deal na pinirmahan pitong araw na lang bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon.

Iginiit naman ni Atty. Ramil, na ang 2025 budget ng lokal na pamahalaan mula July hanggang December ay umaabot lamang sa P8.4B, at hindi kaya ng lokal na pamahalaan na bayaran ang naturang kontrata na pinasok ng nakaraang administrasyon.

Dagdag pa ng abugado na ang P8.96B ay maaring magamit sa mga serbisyo na mas mapapakinabangan ng mga residente ng Lunsod ng Makati na tatagal pa sa loob ng sampung taon.

Sa kabilang banda, sinabi ni Binay-Campos na dumaan sa masusing pag-aaral ang kasunduan upang maiwasan ang mas malaking lugi at mapatatag ang yaman ng Makati. (Dave Baluyot)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here