Home NATIONWIDE Makikinabang mga Pinoy sa pagbisita ni PBBM sa Singapore – PH Ambassador

Makikinabang mga Pinoy sa pagbisita ni PBBM sa Singapore – PH Ambassador

5
0

MANILA, Philippines – MAKIKINABANG ang mga ordinaryong Pilipino sa mas matibay na ugnayan ng Pilipinas at Singapore, kabilang ang paglikha ng trabaho, pagpasok ng bagong pamumuhunan, at pagkuha ng kaalaman sa teknolohiya at nuclear energy.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig sa pagdating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore nitong Miyerkules para sa serye ng mga aktibidad doon.

“Ang Singapore ay isa sa mga pangunahing source ng ating foreign direct investment, kaya alam ninyo naman na kapag may foreign direct investment, maraming trabaho na nagagawa, na naidudulot ito sa ating mga kababayan sa Pilipinas,” ani Macaraig sa press briefing sa Philippine Embassy sa Singapore.

Sinabi rin ng ambassador na ang pagbisita doon ng Pangulo ang maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad sa digital technology, data centers at energy.

“Singapore din ay medyo mas advanced kasi sa atin pagdating sa teknolohiya, nandiyan ang AI, nandiyan ang kanilang mga different IT systems and of course pati iyong pangangailangan nila ng mga data centers and everything, medyo nakaka-advance na sila sa studies when it comes to nuclear research and safety,” dagdag pa ni Macaraig.

Isa sa mga pangunahing aktibidad ni Pangulong Marcos sa Singapore ang paglahok sa Forbes CEO Global Conference, na dadaluhan ng mga nasa 450 business leaders mula sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni Macaraig na maaaring magbunga ang pakikilahok dito ng Pangulo sa mga bagong pakikipagtulungan niya, pagkakaroon ng bagong kasunduan at makukuhang pamumuhunan para sa Pilipinas.

Binanggit din ni Macaraig na mahalaga ang pagbisita ng Pangulo sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute (SNRSI), kung saan maaaring matuto ang Pilipinas sa paggamit at hinggil sa kaligtasan ng nuclear energy.

“Inaasahan natin na makakatulong iyon sa ating bayan kung saka-sakali man na pumasok tayo sa nuclear energy para sa ating bansa,” ani Macaraig. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here