Home METRO Malabon isinailalim sa state of calamity sa Habagat

Malabon isinailalim sa state of calamity sa Habagat

328
0

MANILA, Philippines – Idineklara na ang state of calamity sa lungsod ng Malabon dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat na nagpabaha sa maraming barangay.

Ayon sa Malabon LGU, kasunod ng deklarasyon ay maaari na itong makapaglabas ng kinakailangang pondo para sa emergency response bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente na nakaranas ng “widespread flooding, infrastructure damage, disruption of essential services, and the evacuation of hundreds of residents.”

“Bilang tugon, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang deklarasyon ng State of Calamity, batay sa rekomendasyon ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Mr. Roderick Tongol, at sa matibay na direktiba ni Mayor Jeannie Sandoval.”

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang lungsod ng Maynila, Quezon City, at probinsya ng Cavite dahil din sa epekto ng tuloy-tuloy at malalakas na pag-ulan dala ng Hanging Habagat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here