Home ENTERTAINMENT Malagim na hula kay Binoe, alamin!

Malagim na hula kay Binoe, alamin!

289
0

Manila, Philippines – Sagad na yata sa pagiging morbid o malagim ang nakikitang vision ni Rudy Baldwin kay Senator Robin Padilla.

If only for this, kailangang pangunahan ng mga mahal sa buhay ng mambabatas ang isang prayer vigil para maiwasang mangyari ito.

Idolo pa mandin daw ni Rudy ang action star-pulitiko.

To begin with, binalaan ni Rudy si Robin sa isang–quote unquote–“aksidente.”

Aniya, aakalain daw ng tao na isang aksidente ‘yon o palalabasing aksidente.

Pero ang totoo’y hindi dahil planado daw ito.

Sa madaling salita, kahindik-hindik mang pakinggan: “It’s a murder!”

Paliwanag ni Rudy: “Nakikita kong maho-hospitalize muna siya at magkakaroon ng depekto sa buto!”

Payo niya kay Binoe: paganahin ang kanyang instinct na siyang abilidad niya.

Ginamit niyang halimbawa ang mga mahahalagang lakad ng mambabatas: “Stop!”

‘Yun daw kasi ang magiging mitsa ng ikapapahamak ni Robin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here