Home NATIONWIDE Malaimpyernong sunog sa Isla Puting Bato, kontrolado na

Malaimpyernong sunog sa Isla Puting Bato, kontrolado na

Sinasabing nagmula sa panaderya ang sanhi ng malaking sunog na tumupok at umubos sa mga kabahayan sa Isla Puting Bato, sa Tondo ngayong Linggo, Nob. 24

Batay ito sa paunang impormasyon mula sa awtoridad kung saan mabilis na kumalat ang apoy.

Sa pinakabagong update ng Bureau of Fire Protections (BFP) , kontrolado na ang sunog na nanatili lamang sa Task Force Charlie.

Umabot sa 66 BFP fire truck ang rumisponde sa sunog bukod pa sa mga fire volunteers mula sa pribadong organisasyon .

Tatlong air asset din ang idineploy at tumulong para sa pag-apula ng sunog kabilang rito ang dalawa mula sa 505th SRG ng Philippine Air Force at Blackhawk 114 205th THW.

Bagamat kontrolado na pasado alas dos ng hapon , hindi pa rin umaalis ang ilang bumbero upang masigurong hindi na sisiklab pa ang apoy.

Ilan sa mga residente ay nagkanya-kanya salba ng kanilang gamit at isinakay sa mga bangka. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)