MANILA, Philippines – Sinabi ng World Health Organization noong Biyernes na nagpasya itong panatilihing alerto ang epidemya ng mpox sa pinakamataas na antas, habang tumataas ang bilang ng mga kaso at mga bansang apektado.
Sa isang pahayag, sinabi na ang pasya ay batay sa tumataas na bilang at patuloy na pagkalat ng kaso, operational challenges at pangangailangan mapanatili ang isang magkakaugnay na tugon sa mga bansa at mga kasosyo.
Ang Director General ng WHO na sumasang-ayon sa payo ng (International Health Regulations) IHR Emergency Committee ang Director General ng WHO ay nagpasiya na ang pagtaas ng mpox ay patuloy na bumubuo ng isang public health emergency of international concern– na pinalawig ang emergency na unang ideklara noong Agosto 14.
Ang deklarasyon ng emergency noong Agosto ay bilang tugon sa pagdagsa ng mga kaso ng bagong Clade 1b strain sa DRC na kumalat sa mga kalapit na bansa.
Ang nasabing strain at iba pang mga strain ng mpox ay naiulat sa 80 bansa — 19 sa kanila sa Africa sa ngayon ayon sa WHO.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)