Home NATIONWIDE Malakanyang, kumpiyansang maaaresto mga pugante ng flood control anomaly

Malakanyang, kumpiyansang maaaresto mga pugante ng flood control anomaly

190
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na maaaresto rin ang mga puganteng sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad ng Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol) upang matunton ang mga personalidad na dawit sa flood control mess.

“Sa parte po ng gobyerno natin, ginagawa natin ang lahat ng paraan para mapauwi ang mga fugitives. So, nakikipag-cooperate na tayo at nakikipag-coordinate sa Interpol,” ayon kay Castro.

“We are just awaiting the response from the Interpol,” aniya pa rin.

Sinabi rin ni Castro na kumpiyansa ang gobyerno sa positibong tugon ng Interpol sa request ng Pilipinas para sa pagpapalabas ng red notice para sa mga nananatiling nagtatago, kabilang na si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

“So, tayo naman ay naging maganda rin naman na ka-partner ng Interpol, at alam po natin na ang Interpol ay ginagawa rin nila ang kanilang mandato. So, makakaasa po tayo na mapapauwi ang mga fugitives dito,” aniya pa rin.

Sa ulat, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pa ring inilalabas ang Interpol na red notice laban sa puganteng si Zaldy Co.

Ayon kay NBI Spokesperson Atty. Palmer Mallari, hindi aniya niya masabi o matukoy kung bakit natatagalang tugunan ang hiling nila noon pang November 23, 2025.

Karaniwan umano ay tatlo hanggang apat na linggo ang proseso sa pag-iisyu ng red notice.

Pero giit ni Atty. Mallari, patuloy ang kanilang makikipag-ugnayan sa Interpol hinggil sa nasabing isyu.

Una nang sinabi ng NBI na makikipag-ugnayan na rin sila sa mga awtoridad sa Sweden para beripikahin ang impormasyong doon nagtatago ang dating mambabatas.

Tinatrabaho na rin anila ang ipadadalang liham sa kanilang counterpart doon.

Sa ngayon, patuloy rin aniya ang kanilang koordinasyon sa mga awtoridad sa Cambodia at Portugal kung saan unang naiulat na nagtatago si Zaldy Co. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here