Home NATIONWIDE Malakanyang: PBBM, trabaho uunahin kaysa pagmonitor sa impeachment proceedings

Malakanyang: PBBM, trabaho uunahin kaysa pagmonitor sa impeachment proceedings

186
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na mas pagtutuunan ng pansin at uunahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang trabaho kaysa i-monitor ang pagsisimula ng impeachment proceedings ng House committee on Justice.

Ang pagsisimula ng impeachment proceedings ng Kongreso ay para madetermina kung ang impeachment complaints na isinampa laban sa Pangulo ay may sapat na batayan, kapuwa ‘in form and substance.’

Kumbinsido si Castro na hindi nangangamba ang Pangulo sa impeachment complaint laban sa kanya dahil alam niya sa kanyang sarili na wala naman siyang nagawang impeachable offense.

Bukod dito, base rin sa mga narinig niyang panayam sa mga legal luminaries at constitutional experts, nagsabi ang mga itong mahina ang isinampang reklamo sa Pangulo dahil wala itong basehan.

Naniniwala rin ang mga ito na hindi mababaw ang mambabatas at kumpiyansa silang mag-iisip ang mga mambabatas para sa bayan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here