Home HOME BANNER STORY Malakanyang: Romualdez posibleng maging state witness kung…

Malakanyang: Romualdez posibleng maging state witness kung…

297
0

MANILA, Philippines – Depende sa magiging salaysay ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa Commission for Infrastructure (ICI) kung maikokonsidera siyang state witness sa imbestigasyon ng mga maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakasalalay din ito sa magiging desisyon ng Department of Justice (DOJ).

“Kung ano po ang kaniyang mailalahad sa ICI at depende na rin po iyan sa Department of Justice kung siya ba ay maituturing na isang state witness at ito naman po ay irerekomenda sa korte. Lahat po iyan ay depende sa mangyayari, kaya hindi pa po natin masasabi kung siya’y puwedeng maging state witness o hindi,” ani Castro.

Batay sa ulat, nakatakdang humarap si Romualdez sa ICI kaugnay ng imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Romualdez sa isang panayam, nakahanda umano siyang makipagtulungan sa komisyon upang mapabilis ang imbestigasyon.

“I will be here to help in any way to speed up the resolution of the fact-finding investigation of the ICI,” saad ni Romualdez.

Nauna nang hiniling ng ICI sa Department of Justice na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa mga senador, kongresista, at opisyal na tulad ni Romualdez.

Matatandaang isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na umano’y tumanggap ng porsyento mula sa pondo ng mga kontrata sa mga maanomalyang flood control projects. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here