Home NATIONWIDE Malakanyang sa paglantad ng netizens sa ‘nepo babies’: That’s what Marcos wants

Malakanyang sa paglantad ng netizens sa ‘nepo babies’: That’s what Marcos wants

282
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malacañang na nagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalantad ng mga netizens sa marangyang pamumuhay ng mga anak ng mga kontratista na kasama sa listahan ng Chief Executive.

May ilang anak ng mga kontratista, o tinatawag ng netizens na nepo babies (mula sa pinaikling nepotistic babies) na ibinunyag ni Pangulong Marcos na kabilang sa “top companies” na nagpapatupad ng 20% ng flood control projects ng bansa ang hayagang binabatikos, higit sa lahat sa social media, dahil ipinagmamalaki ang kanilang marangyang pamumuhay.

Ayon sa Malacañang, ang hakbang na ito ay pabor sa naging panawagan ng Pangulo sa publiko na makiisa sa pagsisikap ng gobyerno na ilantad ang corrupt activities, kung saan hinikayat ang mga ito na gamitin ang website na “Sumbong sa Pangulo” na inilunsad tatlong linggo pa lamang ang nakalilipas.

“Iyon naman din po talaga ang naisin ng Pangulong Marcos Jr., na lahat-lahat po tayo ay magtulungan upang masawata itong mga korapsyon na ito,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“At hindi lamang po ang gobyerno, ang pamahalaan ang dapat kumilos kundi ang taumbayan na nakakaalam ng mga nangyayari sa paligid nila,” dagdag pa niya.

Sa ulat, palaging hinihikayat ng Pangulo ang publiko na isumbong sa kanya sa pamamagitan ng website na dedikado sa pagtanggap ng mga ulat ukol sa maanomalya at problematic flood-control projects sa kanilang lugar.

“So, mas maganda po talagang isumbong nila sa Pangulo itong mga ganitong klaseng insidente at kondisyon,” ayon kay Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here