Home NATIONWIDE Malakanyang walang impormasyon sa ‘pagbibiti sa pwesto ni DICT Sec. Uy

Malakanyang walang impormasyon sa ‘pagbibiti sa pwesto ni DICT Sec. Uy

MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na hanggang ngayon ay wala pa itong natatanggap na impormasyon kaugnay sa napaulat na pagbibitiw sa pwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Enrile Uy.

“Actually, kagabi ko pa po iyan itinatanong, pero as of the moment, wala pa po tayong update. Kung siya man po ay nag-resign, kung mayroon pong letter siyang pinadala na po, kailangan pa po itong ma-accept ng ating Pangulo. So, so far, wala pa po tayong update,” ang sinabi ni Presidential Communications Undersecretary ay Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

”Ang pagkakasabi po sa akin ay kung mayroon mang letter, wala pa po sa aking confirmation kung natanggap na po ng Pangulo as of the moment. At kung mayroon man po, wala pa pong acceptance na nanggagaling sa Pangulo,” dagdag niya.

Matatandaang kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na nagbitiw sa pwesto ay sina dating Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Emmanuel R. Ledesma, Jr. Ang katuwiran ni Ledesma ay nahihirapan na ito sa politika dahil sanay at bihasa ito sa pribadong sektor.

Nagbitiw din sa pwesto si Secretary Cesar Chavez bilang pinuno ng Presidential Communications Office (PCO). Isinumite ni Chavez ang kanyang irrevocable resignation noong Pebero 5. Ang katwiran ni Chavez ay dahil hindi niya umano lubos na nagampanan ang inaasahan sa kanya. Ang batikang journalist na si Jay Ruiz ay itinalaga bilang ad interim secretary para sa PCO.

Inanunsyo naman ng malakanyang ang pagsusumite ng courtesy resignation ni Toby Nebrida bilang general manager ng state-run television network People’s Television Network (PTV) na tinanggap ng Pangulo at ang ipinalit dito ay si Oscar Orbos.

Npaulat din ang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista dahil sa health reasons dahilan para palitan siya ni Vince Dizon. Kris Jose