Home NATIONWIDE Malakas at mapanganib na pagsabog ng Kanlaon, nagbabadya – Philvocs

Malakas at mapanganib na pagsabog ng Kanlaon, nagbabadya – Philvocs

Muling sumabog ang Mt. Kanlaon noong Abril 14 at nagbuga ng abo na umabot sa 800 metro.

Ayon sa PHIVOLCS, posible ang isang malakas at mapanganib na pagsabog dahil sa paikli nang paikling pagitan ng mga pagputok.

Magmatic ang pinakahuling aktibidad, ibig sabihin may bagong materyal na ibinubuga ang bulkan.

Mahigit 300 pagputok na ang naitala mula pa noong Oktubre 2024.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 bilang babala sa magmatic unrest. Santi Celario