Home HOME BANNER STORY Alamin: Bank schedules sa Semana Santa

Alamin: Bank schedules sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Sarado ang karamihan sa mga bangko sa Pilipinas mula Abril 17 (Huwebes Santo) hanggang Abril 19 (Sabado de Gloria), 2025.

Mananatiling bukas naman ang mga ATM at digital banking services.

Narito ang iskedyul ng mga bangko:

BPI: Sarado lahat ng sangay mula Abril 17–19; pansamantalang hindi magagamit ang online services sa Abril 17, 8 a.m.–6 p.m. para sa system integration ng BPI at Robinsons Bank.

BDO: Sarado ang mga sangay Abril 17–19; bukas ang BDO Online, BDO Pay, ATMs, at cash deposit machines.

Chinabank: Sarado Abril 17–19; balik-normal sa Abril 21.

EastWest: Sarado ang non-mall branches sa Abril 17–18; may ilang mall branches na bukas sa piling araw.

PNB: May mga piling sangay na bukas.

Security Bank: Sarado lahat ng sangay mula Abril 17–20. RNT