MANILA, Philippines – TINUTUKAN sa leeg ng kutsilyong pangkatay ng baboy ng isang lalaki ang 2-anyos na batang babae noong Linggo sa Bulungan, Bgy. La Huerta, Paranaque City.
Halos isang oras ang itinagal na nanganib ang buhay ng batang babae sa kamay ng hostage taker na pinagtulungan ng mga Pulis at taumbayan sa lugar.
Sugatan ang kamay ng pulis nang tinangka nitong agawin sa hostage taker ang kutsilyong pangkatay ng baboy.
Halos maputol ang daliri ni Pat. Samuel Melad dahil sa pagkakahawak sa kutsilyo ng hostage-taker, samantala maayos naman ang kalagayan ng bata.
Bago ang pakikipambuno sa hostage taker, nakipagnegosasyon ang mga tauhan ng Paranaque Law Enforcement Team sa suspek para pakawalan ang bata hanggang sa makakuha ng tiyempo si Pat. Samuel Melad .
Sa inisyal na imbestigasyon, pinag-tripan ng dayong suspek ang ama ng bata subalit nang makita ang mga kamag-anak na sasaklolo, biglang hinablot ng suspek ang bata at itinakbo hanggang maabutan sa Bulungan Market sa Brgy. La Huerta na doon na pinagbantaang papatayin ang bata.
Nakapiit ngayon sa custodial facility ng ParaƱaque City Police ang suspek na nahaharap sa mga kasong serious illegal detention, child abuse, alarm and scandal at illegal possession of bladed weapon.”
Humingi naman ng paumanhin sa pamilya ng biktima ang suspek na kapwa hindi pinangalanan.
“May sinaksak siyang lalaki na nasugatan. Pumunta rito sa amin at nagreklamo (Yung sinaksak). Pag-atras ng suspek may nakasalubong siyang akala niya Pulis. Kinuha niya yung bata para protektahan ang sarili niya,” sabi sa ulat ni PLt Mardison Perie ng ParaƱaque City Police. Dave Baluyot