Home METRO Pumugang ‘mayor’ sa Bulacan Provincial Jail, 3 pa timbog

Pumugang ‘mayor’ sa Bulacan Provincial Jail, 3 pa timbog

Bulacan – Arestado ang dalawang tumakas na bilanggo kabilang ang umanoy kasabwat jail guard at asawa ng tumakas sa manhunt operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lungsod Malolos.

Kiinilala ang apat na naaresto na sina Abdua Arajalon, residente of Patikul, Jolo Sulu at Mario San Jose ng Brgy. San Miguel, Hagonoy, Tee-Jay Jimenez, Jail guard ng Brgy. Malibong Bata, Pandi at Sara Wahid, asawa ni Arajalon ng Brgy. Dakila, Malolos Citym

Sa report, nahuli ang apal sa operasyon ng CIDG nitong hapon ng Abril 13 sa Purok 3, Brgy. Dakila sa naturang lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nahuli sa operasyon ng CIDG Bulacan tracker team ang dalawang takas na nasa labas ng Bulacan Provincial Jail na walang proper court order para makalaya.

Narekober sa operasyon ang Cal. 45 pistol, magazine, anim na bala , Glock 17 9mm pistol, magazine, na may siyam na bala at Toyota Hilux.

Sinasabing si Arajalon na kilalang “Mayor” ay may kasong Murder, San Jose ay “chairman of Brgy 11” na may kasong Homicide, Jimenez na isang job order prison guard sa provincial jail at Wahid na asawa ni Arajalon na umanoy kapwa kasabwat sa pagtakas. Dick Mirasol