Home NATIONWIDE Malakihang fuel price hike asahan sa susunod na linggo!

Malakihang fuel price hike asahan sa susunod na linggo!

MANILA, Philippines – Inaasahan ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Unioil, posibleng tumaas ng P1.30 hanggang P1.50 ang kada litro ng diesel, habang P2.10 hanggang P2.30 naman sa kada litro ng gasolina.

Ganito rin ang sinabi ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero kung saan posibleng tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.90 hanggang P2.10 kada litro, diesel sa P1.35 hanggang P1.50 kada litro at kerosene sa P1.40 hanggang P1.50 kada litro.

Ito ay batay sa resulta ng four-dat trading sa global market.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo. RNT/JGC

Previous article“Under a Piaya Moon,” humakot ng award!
Next articleBrownlee instant sikat sa debut sa Indonesian League