MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng Habagat ang malaking bahagi ng Luzon ngayong Huwebes, Hunyo 4.
Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Tarlac, at Pampanga ay makararanas ng pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil pa rin sa Habagat.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC