MANILA, Philippines – Posibleng hindi na matatapos ng Department of Transportation (DOTr) ang big-ticket railways sa ilalim ng Marcos administration bunsod ng legal opinion na maaring maging hadlang para makuha ang right of way (ROW).
Ayon sa source sa DOTr, hamon sa Marcos administration na makuha ang target na pagbubukas ng P873.6-billion North-South Commuter Railway (NSCR) at P488.5-billion Metro Manila Subway Project (MMSP) sa loob ng termino ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kasaluyan ay itinigil ng DOTr ang pagbili ng ROW para sa dalawang nabanggit na proyekto matapos matangap ang DOJ opinion na pumapabor sa Republic Act (RA) 10752, o ang ROW Act kaysa sa financing agreements.
Ayon sa sources, maaaring masimulan sa 2028 ng Marcos administration ang operasyon ang bahagi ng Malolos-Clark Railway Project, na segment ng NSCR.
Mayroon din debate sa rules para sa ROW acquisition sa pagitan ng ROW Act at loan agreements sa mga multilaterals.
Sa Japan International Cooperation Agency (JICA) halimbawa, kailangan bayaran ng gobyerno ang mga tao at mga informal settlers na mawawalan ng bahay dahil sa proyekyo.
Gayunman, nakasaad sa ROW Act na walang ibabayad sa mga informal settlers na maaapektuhan ng proyekyo ngunit kailangan silang mailipat sa resettlement site na may mga basic facilities. TERESA TAVARES