Home METRO Magsasaka, pinagbabaril-patay sa Pangasinan

Magsasaka, pinagbabaril-patay sa Pangasinan

PANGASINAN-Tigok ang isang 72-anyos na magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. San Vicente East, Asingan ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Pebrero 23.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima na nakasakay sa kanyang Yamaha RS motorcycle ay paalis ng kanilang bahay papunta sa kanyang bukid nang pagbabarilin siya malapit sa gate ng kanilang bahay.

Matapos na pagbabarilin ang biktima, ang suspek na nakasakay ng kulay red na Rusi motorcycle with top box, nakasuot ng camouflage jacket at maong pants ay mabilis na tumakas.

Agad na isinugod sa Asingan Community Hospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang suspek. Rolando S. Gamoso