Home NATIONWIDE Walkout sa mga klasrum ikinasa ng PUP student org sa EDSA anniversary

Walkout sa mga klasrum ikinasa ng PUP student org sa EDSA anniversary

MANILA, Philippines – Magdaraos ng walkout ang student organization ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) kasabay ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bukas, Pebrero 25.

“Edsa is a protest, and with or without classes, students will walk out,” sinabi ng student regent na si Kim Modelo sa isang Facebook post.

Ang panawagan na ito ay kasunod ng pagtanggi ng administrasyon ng unibersidad na markahan ang naturang petsa bilang isang holiday, ayon sa PUP Office of Student Regent.

Ani Modelo, ang hakbang para hindi ideklarang holiday ang Pebrero 25 ay isang uri ng “historical distortion.”

“We are calling for alternative learning and a class suspension on Feb. 25 not only because we want to attend the Edsa mobilization, but because we want our school to stand against all injustices of the Marcos, Sr. regime and show protest to the Marcos, Jr. administration for his holiday downgrade,” sinabi ni Modelo.

“Not declaring this day a holiday is a form of historical distortion because PBBM (President Bongbong Marcos) does not want to see how strong we are when we collectively walk out—he is scared,” dagdag pa niya.

Samantala, lalahok ang ilang estudyante ng PUP sa protest rally sa EDSA People Power Monument sa Quezon City sa Martes.

Sa kabila ng deklarasyon ng Malakanyang na ang EDSA People Power Anniversary ay isang special working day, nagsuspinde pa rin ng pasok sa mga paaralan ang ilang paaralan katulad ng University of the Philippines, University of Santo Tomas, at St. Scholastica’s College-Manila.

“Our school is not blind to all the injustices Martial Law of Ferdinand Marcos, Sr. has caused, with many leaders coming from our line, and we should be at the forefront of remembering them,” pagtatapos ng PUP student regent nitong Linggo. RNT/JGC