MANILA, Philippines – Patay ang isang 43-anyos na overseas Filipino worker (OFW) matapos malunod sa beach resort sa Calatagan, Batangas nitong Linggo, Pebrero 23.
Sa report ngayong Lunes, kinilala ng Region 4A police ang biktima na si Diosdado Catanay, residente ng Nasugbu.
Bandang 2:30 ng hapon, si Catanay ay naliligo kasama ang mga kaibigan sa Barangay Bagong Silang nang tangayin ang mga ito ng alon patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat, dahilan para malunod ang biktima.
Nagawa siyang mahila ng mga kasamahan mula sa tubig at agad na dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad. RNT/JGC