Home METRO Malaking sunog sumiklab sa residential area sa Kyusi

Malaking sunog sumiklab sa residential area sa Kyusi

198
0

MANILA, Philippines – Higit sa 30 trak ng bumbero ang rumesponde matapos lamunin ng malaking apoy ang isang residential area sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City, gabi ng Biyernes, March 6.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Quezon City, nagsimula ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay. Nahirapan sa pag-apula ang mga bumbero kaya itinaas ang alarma sa Task Force Bravo dakong alas-11:00 ng gabi upang rumesponde pa ang ibang bumbero mula sa buong Metro Manila.

Sa huling ulat dakong alas-12:30 ng madaling araw nitong Sabado, patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang apoy. Wala pang opisyal na ulat ang BFP tungkol sa sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here