Home NATIONWIDE Malaking terminal sa norteng bahagi ng NCR pinaplantsa ng DOTr

Malaking terminal sa norteng bahagi ng NCR pinaplantsa ng DOTr

Nakipagpulong ang Department of Transporation (DOTr) sa bus conglomerate Victory Liner para sa posibleng public-private partnership (PPP) para maglagay ng integrated multi-modal terminal exchange sa hilgang bahagi ng National Capital Region (NCR).

Sa bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns na ipinatawag ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa San Juan City, binanggit ni Transportation secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng pinagsamang pagpapalitan ng transportasyon sa pagtugon sa pagsisikip ng trapiko, na binibigyang -diin ang karanasan sa pagtatatag ng Paranaque Integrated Exchange terminal (PITX).

Sinabi ni Bautista na ang DOTr ay nakikipagtulungan din sa National Economic and Development Authority para makuha ang pag-apruba para sa proyektong ito.

Idinagdag pa ng opisyal na ang halaga ng proyekto ay magigigng mabigat kaya mangangailangan ito ng pag-apruba ng NEDA.

Gumagawa rin ang gobyerno ng katulad na integrated terminal exchange sa Taguig City sa pakikipagtulungan sa Ayala Group ayon pa kay Bautista.

Sa project-update status ng proyekto sa PPP Center, nagpakita na ang P5.20 bilyon na Taguig Integrated Terminal Exchange Project ay sumasailalim na ngayon sa mga

Ang proyekto ay isinasagawa ng nagsusulong nitong ARCA South Integrated Terminal inc. ay Ayala Land Inc.

Sa kanyang panig, humingi namna ng suporta sa gobyerno si Marco Del Pilar, kinatawan ng Provincila Bus Operators of the Philippines para sa konstruksyon at pagpapalawak ng terminal exchange facilities na katulad ng PITX.

Hiniling ni Del Pilar sa gobyerno na pasimplehin ang pagpapadali ng construction at building permits na kinasasangkutan ng transit-oriented projects, gayundin ang pagbibigay ng tax incentives upang matiyak ang financial viability ng naturang mga gawain.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)