Home NATIONWIDE April 13 BARMM plebiscite all set na

April 13 BARMM plebiscite all set na

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na handa nang isagawa ang plebisito para sa paglikha ng walong munisipalidid sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa North Cotabato province ngayong weekend.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na ang aktibidad sa Abril 13 ay magbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan ng 63 na mga barangay ng SGA na bumuo ng kani-kanilang mga bayan.

Kabuuang 89,594 regstrered voters sa SGA ang makakaboto sa 67 voting hubs.

Ang pagsasagawa ng plebisito ay sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act No.41 at 48 na nagtatakda para sa paglikha ng mga munisipalidad ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag,Tugunan,Ligawasan, Malidegao, Old Kabakan, at Kapalawan , lahat sa lalawigan ng North Cotabato.

”Under the measure, Pahamuddin shall be composed of Barangays Balacayon, Buricain, Datu Binasing, Datu Mantil, Kadingilan, Lower Pangangkalan, Libungan Torreta, Matilac, Patot, Upper Pangangkalan, Lower Baquer, and Simsiman from the municipality of Pigcawayan”, ayon pa sa Comelec.

Ang Kadayangan ay binubuo ng Barangays Central Labas, Kapinpilan, Malingao, Mudseng, Sambulawan, Tugal, at Tumbras mula sa munisipalidad ng Midsayap.

Binubuuo naman ang Nabalawag ng Barangays Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kudarangan, Nabalawag, Olandang mua sa munisipalidad ng Midsayap, at Dungguan mula sa munisipalidad ng Aleosan.

Ang Old Kabakan ay binubuo ng Barangays Buluan, Nangaan, Sanggadong, Simbuhay, Simone, Pedtad, at Tamped mula munisipalidad ng Kabacan.

Binubuo naman ang Kapalawan ng Barangays Kibayao, Kitulaan, Langogan, Manarapan, Nasapian, Pebpoloan, Tupig mula sa munisipalidad ng Carmen.

Ang Malidegao ay binubuo ng Barangays Balungis, Batulawan, Fort Pikit, Gokotan, Nabundas, Nalapaan, Nunguan mula sa munisipalidad ng Pikit.

Binubuo naman ang Tugunan ng Barangays Balong, Bualan, Lagunde, Macabual, Macasendeg, Manaulanan, Pamalian, Panicupan mula munisipalidad ng Pikit, at Tapodoc mula sa munisipalidad ng Aleosan.

Binubuo naman ng Barangays Bagoinged, Barungis, Bulol, Buliok, Gli-Gli, Kabasalan, at Rajamuda ang Ligawasan mula sa munisipalidad ng Pikit.

Ang mga oras ng pagboto ay mula alas 7 ng umaga hanggang als 3 ng hapon kung saan ang pagbibilang ng boto ay magsisimula naman kaagad pagkatapos ng pagboto.

Sinabi ng Comelec na ang pagpupulong ng Barangay Plebiscite Board of Canvassers at pagsisiumula ng Canvassing of Plebiscite Returns ay magsisimula alas 6 ng gabi at magpapatuloy hanggang sa proklamasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)