Home NATIONWIDE DOH nagpaalala sa vendors: Ibebentang pagkain siguraduhing malinis sa tag-init

DOH nagpaalala sa vendors: Ibebentang pagkain siguraduhing malinis sa tag-init

MANILA, Philippines – Hinimok ng Departmemt of Health (DOH) ang mga food vendors na tiyakin at mapanatiling maayos ang paghahanda ng pagkain at hygiene upang maiwasan ang sakit na gastroenteritis at iba pang food and water-borne diseases ngayong mainit ang panahon.

Ito ay kasunod ng pagkaka-ospital ng nasa 8 indibidwal sa Kidaawan City sa Cotabato matapos sumakit ang tiyan at magsuka nitong nakaraang linggo matapos umanong kumain ng halo-halo mula sa isang local food stall.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na na ang hindi maayos na pag-imbak ng sangkap ng halo-halo na maaring nagdulot ng bacteria at naka-infect sa mga kustomer.

Gayundin ang pinagmulan ng ice na ginamit sa halo-halo at gatas na sangkap ay mahalaga din.

Ang nasabing mga indibiwal ay napag-alamang nasa maayos nang kondisyon habang ang sample ng halo-halo ay nasuri na rinupang matukoy ang dahilan ng pagkakasakit ng mga pasyente.

Nakipag-ugnayan na rin ang local na gobyerno ng Kidapawan sa halo-halo vendor. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)